DOJ Files

summaries. schedules. etc.

Monday, August 01, 2005

YAP, Pleyto, July 29, 2005

contents: DOJ favors Yap; Pleyto loses at CA

1. DOJ dismisses vendors complaint vs. Yap

Ibinasura ng Department of Justice ang reklamo ng Carlota Mendoza Compound Vendors Association Inc, laban kay dating Agriculture Secretary Arthur Yap at mga may-ari ng DHY Realty Development Corporation.

Isinampa ng asosasyon ang petition for review sa DOJ dahil nauna nang itong ibinasura ng Pasig City Prosecutor's Office. Nagrereklamo ang asosasyon na peke ang deed of sale ng lupain dahil daw dalawa ang deed of sale isa noong janyary 10, 1997 kung saan ipinakita na binili ng dhy ang lupain sa halagang P12,704,000.00 at ikalawa noong septemebet 17, 1998 kung saan ipinakita na nabili ito sa halagang isang milyong piso lamang.

Pero pinanigan ng DOJ ang pamilya Yap na nagsabing isang kontrata lang yun. Ang ikalawa ang naglalaman lamang ng konting pagbabago. "in fact, carlota mendoza never denied her intervention in the execution of the said deed," sabi ng DOJ. Ang lupaing ito rin ay may kaugnayan sa tax case na isinampa ng BIR laban kina yap. Sabi ng BIR dati kulang raw ang ibinayad na tax ng mga yap para sa pagbili ng mga lupaing ito.

2. OMBUDSMAN GETS 'GREENLIGHT' TO PROSECUTE DPWH USEC PLEYTO

Tuloy ang pagliitis ng Ombudsman kay DPWH Undersecretary Salvador Pleyto matapos i-lift ng Court of Appeals ang temporart injuction na inisyu nito dati.

Ito ay kaugnay ng umano'y hindi maipaliwanag na tagong yaman na aabot sa P17-M gayung kumikita lang ito ng P5.9M (2000) at P9.3M (2001). Napag-alaman din na madalas na magbiyahe sa labas ng bansa si Pleyto at pamilya nito. Umabot daw sa labingpitong biyahe sa labas ng bansa ang ginawa ni Pleyto, siyam rito hindi opisyal na biyahe. Dahil dito lilitisin na ng Ombudsman si Pleyto para sa grave misconduct and dishonesty. "We agree with the Ombudsman that the progressive albeit unexplained rise in the net worth will be prima facie evidence of unexplained wealth… It is clear that the SALN (statement of assets and liabilities and net worth) does not reflect a true and accurate record of the assets of the petitioner (Pleyo) in violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act," sabi ng Court of Appeals.

Hindi rin daw kasi inilatag ni Pleyto ang financial interest ng kanyang asawa sa Statement of Assets and Liabilities nito para sa taong 2000 hanggang 2001.

Matatandaang isinailiam si Pleyto sa isang lifestyle check ng PNP CIDG. Noong September 25 ay sinuspinde siya ng Ombudsman. Kaya umakyat siya sa Court of Appeals at inapela ang nasabing order.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home