NBI on Garci, BIR vs sardines, NBI arrest starlet's BF, Pakistani, Aug.4, 2005
contents: NBI on Garci, Pakistani, starlet's BF; BIR vs sardines company
1. NBI CAN’T EFFECT ARREST OUTSIDE RP
Hindi maaring arestuhin ng National Bureau of Investigation si dating COMELEC Commissioner Virgilio Garcillano kung nasa labas siya ng bansa. Ayon kay Atty. Auralyn Pascual, tagapagsalita ng NBI sa Garci controversy na kung halimbawang nasa London, U.K. at Singapore si Garcillano ay hindi siya puwedeng arestuhin dahil wala naman raw tayong extradition treaty sa dalawang bansang ito. “We can arrest him anywhere in the Philippines,” Pascual said. Iginiit ng NBI na patuloy nilang hinahanap si Garcillano simula pa noong July 19 nang ibigay sa kanila ang subpoena ng House of Representatives pero nahihirapan daw sila sa paghahanap. “Mahirap hanapin ang nagtatago,” ayon kay NBI Deputy Director Nestor Mantaring. Hinihintay na lang daw nila ang kopya ng warrant of arrest na galing sa Kamara para huntingin lalo si Garcillano.
Sot: pascual, mantaring
2. BIR FILES TAX EVASION VS. SARDINES MANUFACTURER
Kinasuhan ng tax evasion ng BIR ang isang manufacturer ng sardines kanina sa DOJ. Ayon sa BIR, hindi raw tama ang idineklarang halaga ng inimport na raw materials ng Fishwealth Canning Corportation na manufacturer ng Youngstown canned sardines noong 1999. Ang aktuwal na halaga raw ng inimport na raw materials ng Fishwealth ay P325,209,199.00 pero idineklara lang nito na P132,078,961.55 ito. Dahil daw dito, natakasan ng Fishwealth ang P13-M pisong income tax at P54.6-M pisong value added tax liabilities o kabuuang halagang P67.6-M na tax liability.
Sot: Atty. Estela Valdesalles, BIR Inspection Div. Chief
3. BF OF STARLET ARRESTED FOR RAPE
Inaresto ng National Bureau of Investigation noong August 2, Martes ang boyfriend ng starlet na si Sugar Benedicto dahil sa panggahasa ng 9 na taong gulang na anak ng aktres. Si Rolando Bermil Cordero ay nauna munang inaresto ng Pasay police dahil sa pagnanakaw ng cellphone. Nang malamang nakakulong ang suspek, nakipag-ugnaayan ang NBI-Special Task Force sa Pasay City jail warden para maaresto ang suspek dahil may nakabinbing kaso ito ng statutory rape na isinampa ng bikima na itinago sa pangalang “Gina.” Inaresto si Cordero matapos siyang lumabas ng kulungan para sa salang pagnanakaw. Ang biktima umano ay ginahasa dalawang taon na ang nakakalipas sa Legazpi City, Albay. Itinanggi ni Cordero na ginahasa niya ang bata. “There’s no penetration. I just used my fingers,” sabi ni Cordero na isang Filipino immigrant sa Estados Unidos. Sila pa rin daw ni Benedicto.
Sot: cordero, atty. Reynaldo Esmeralda ng NBI
4. PAKISTANI ARRESTED FOR POSSESSION OF “DANGEROUS DRUGS”
Naaresto ng NBI ang Pakistani national na si Salim Shehzad Khan, 47, dahil sa pagtatago ng 17,000 piraso ng Stilnox, 1,000 piraso ng Valium, at isang booklet ng mga delivery receipts. Inaresto si Khan ng operatiba ng NBI sa bahay ng suspek sa San Antonio Village sa Makati City. Ayon kay Atty. Reynaldo Esmeralda, tunay naman raw ang mga gamot pero prescription drugs ito na iniingatan sa batas. Dapat daw ay lisensiyado ang nagtatago nito. Hindi lisensiyado si Khan. Sabi pa ng NBI, binebenta ng suspek ang mga gamot sa maliliit na botika sa mas murang halaga. Galing raw sa Pakistan ang nasabing mga gamot.
Sot: khan, Esmeralda. Dep dir nestor mantaring


0 Comments:
Post a Comment
<< Home