DOJ Files

summaries. schedules. etc.

Friday, August 19, 2005

AUGUST 19: DOJ FORMS TASK FORCE GARCI

1. DOJ FORMS TASK FORCE TO INVESTIGATE GARCI ‘ESCAPE’

Ang DOJ na ang mangunguna sa imbestigasyon kung bakitnakapuga sa bansa si dating COMELEC CommissionerVirgilio Garcillano. Ayon kay DOJ Secretary RaulGonzalez, nakausap na niya si BID Commissioner AlipioFernandez at sumang-ayon ito na dapat ay DOJ na angmanguna sa imbestigasyon. “The normal route is that weshould allow them to clean their own backyard but thisis done precisely to allay suspicion (of acover-up),“ani Gonzalez.

Itinalaga ni Gonzalez si Sr. State Prosecutor Emily FeDe Los Santos (National Prosecution Service) bilangChairman. Ang mga miyembro ay sina: Atty. Roy Almoro,Executive Director, BID bilang Vice-Chairman; StateProsecutor Olivia Non, Atty. Edgardo Mendoza, IRDChief, BID, at si State Prosecutor Lourdes Zapanta,bilang mga miyembro. Maari na raw simulan ang imbestigasyon sa susunod na linggo.

Tutukan ng imbestigasyon ang mga taong direktangkasangkot sa umano’y pagpapalusot kay Garcillano tuladng mga piloto, may-ari ng eroplanong sinakyan, sinoang nagbigay ng clearance para sa flight, sino angnasa biyahe.

Hindi pa muna bibigyan ng prioridad angmga ulat na sangkot sa pagpuga ni Garcillano si DPWHSec. Hermogenes Ebdane, at kahit si NBI DirectorReynaldo Wycoco. Maaring sampahan ng kasong paglabag immigration laws,R.A. 6713 or Ethical Standards Act, at maging paglabag sa anti-graft act kung mapapatunayang may nagkabayaran para palusutin si Garcillano. Maari ring kanselahinang pangkrisa ng may-ari ng eroplanong sinakyan niGarcillano.Aminado si Gonzalez na problema talaga ang pagbabantayng mga exit/entry points ng bansa. “We have 7,100 plusislands (during lowtide, ehhehheeh). We can’t guardeverything. We don’t have any control over them,” sabini Gonzalez.Sa katunayan aniya, dati na niyang ipinag-utos angre-shuffle ng mga BID personnel matapos makumpirma angmga ulat na nagpalusot ng mga overstaying na Chinesenationals ang dalawang BID personnel.

Dagdag pa ni Gonzalez, kamakailan lang ay nakumpirmang intelligence agencies ng gobyerno na nakalusot ang24 na Indonesian terror bombers.Pero para daw sa mga hindi naniniwala na magigingpatas ang imbestigasyon ng DOJ at isangindependienteng komisyon ang kailangang bubuuin,mataray na sagot ni Gonzalez: “They can conduct theirown and we can compare

notes.”Sot: gonzalezSits: interview and copy of order

0 Comments:

Post a Comment

<< Home